BALIK-TANAW SA DALAWANG PELIKULANG PINAGBIDAHAN NINA NORA AUNOR AT ALMA ...
Sa ginanap na 41st PMPC Star Awards for Movies noong Nobyembre 30, 2025, ginawaran si Alma Moreno ng “Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award”.
Ang parangal na ito — na ipinangalan sa Pambansang Alagad ng Sining at Nag-iisang Superstar na si Nora Aunor — ay ibinibigay bilang pagkilala sa makabuluhang kontribusyon at halos limang dekadang serbisyo ni Alma Moreno sa industriya ng pelikula. Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ni Alma ang kanyang Kumareng si Guy.
Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nilang dalawa ay ang “Huwag hamakin! Hostess” (1978) na kapwa sila nasa transition. Si Nora, mula sa peak-Noranian dramatic era at si Alma naman na papunta sa pagigin full-fledged superstar/sex-symbol. Ayon sa mga lumang column (Joe Quirino, Crispina Belen), magaan ang set, walang intriga, dahil parehong professional ang dalawa. Si Director Elwood Perez ang nagdirehe na kilala sa fast-shooting style, kaya kailangan ng actors na mabilis at disiplinado — bagay raw sa professionalism ni Nora.
Nasundan pa ang kanilang working chemistry sa "Kasal-Kasalan, Bahay-Bahayan" (1979) na nagwagi bilang Best Film at naging top grosser sa 1979 Metro Manila Film Festival (MMFF), kasama nila sa pelikula ang kanilang mga “estranged-husbands” na sina Christopher de Leon at Rudy Fernandez.
Ipinapakita sa mga pelikulang pinagsamahan nila ang magkakaibang pagtatanghal: mas simple at malalim na costuming para kay Nora; mas flashy at fashionable para kay Alma — ginagamit bilang visual shorthand ng kanilang karakter. Madalas ginawang kontrapunto ng mga direktor ang image ni Nora (serious/dramatic) at ni Alma (glamorous/charismatic) para lumikha ng emotional tension sa kuwento. Ito ang dahilan kung bakit nag-work ang dalawa on-screen kahit magkakaiba ang persona.
Habang maraming proyekto ang may on-set rivalry noong 70s-80s, walang solidong ebidensiya ng off-camera rivalry nina Guy at Ness; mas madalas ang pag-respeto at professional camaraderie. Ito ang nagpatibay ng impression na “professional friends” sila.
Ang dalawang pelikula ay nakatulong sa pagpapakita ng range ni Alma (hindi lang seksing imahe kundi may dramatic chops din) at nagpapatibay ng legendary status ni Nora bilang versatile actress.
(Isinulat ni ๐๐ป๐ท๐ธ๐ต๐ญ ๐๐ฎ๐ฌ๐ฑ๐ช๐ท๐ธ๐ฟ๐ช ๐๐ฎ ๐ฅ๐ฎ๐ป๐ช, 12/07/25: 12:59AM)
Comments
Post a Comment