"INDYANERO!" ( 01) (Tulang nabuo sa aking isipan habang ako'y nasa ilalim ng malaking puno katabi ng mamang nagtitinda ng fishball at matiyagang naghihintay sa wala) Pinagmukha mo akong tanga, hindi mo ako sinipot kanina, ang text ko alas-dose magkikita, reply mo after one hour , rest ka muna. Pero kahit what time pa, mahalaga ako pa rin ay nagpunta, para madali ako'y nag- taxi na, marating ko lang ang meeting place sana bago mag- twelve o'clock o mas maaga pa. At pagsapit nga ng ala-una, sa iyong pagdating ay hoping pa, aba, lampas two o'clock na, ...