Sunday, November 1, 2026

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗘, 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 (𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘼𝙩𝙚 𝙂𝙖𝙮, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘕𝘰𝘳𝘢𝘯𝘪𝘢𝘯𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢, 𝘶𝘮𝘪𝘺𝘢𝘬 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘪 𝘼𝙩𝙚 𝙂𝙪𝙮)


𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗘, 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟
(𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘼𝙩𝙚 𝙂𝙖𝙮, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘕𝘰𝘳𝘢𝘯𝘪𝘢𝘯𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢, 𝘶𝘮𝘪𝘺𝘢𝘬 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘪 𝘼𝙩𝙚 𝙂𝙪𝙮)
May mga pangalan sa industriya ng sining na kapag narinig mo, hindi mo na kailangang ipaliwanag kung sino sila.
𝗔𝗧𝗘 𝗚𝗨𝗬.
At kapag sinabing 𝗔𝗧𝗘 𝗚𝗔𝗬, hindi rin maiiwasang sumagi sa isip natin ang isang taong sa loob ng maraming taon ay nagbigay-buhay sa isa sa mga pinakakilalang imahe, boses, kilos at mga linyang iniwan ni 𝗡𝗢𝗥𝗔 𝗔𝗨𝗡𝗢𝗥 sa puso ng sambayanang Pilipino.
Dalawang “Ate.”
Magkaiba ang kanilang pangalan. Magkaiba ang kanilang sining. Ngunit sa isang kakaibang paraan, pinagtagpo sila ng tadhana sa entablado ng buhay.
Si Nora Aunor ang Ate Guy—ang Superstar, ang aktres at mang-aawit na naging bahagi ng kasaysayan ng pelikula at musika sa Pilipinas.
Si Gil Aducal Morales naman ang Ate Gay, ang komedyanteng marunong humawak ng isang karakter, magpatawa ng isang buong audience, at higit sa lahat, magbigay ng sariling kulay sa panggagaya sa isang idolo.
Hindi niya itinago kung saan nagmula ang malaking bahagi ng kanyang inspirasyon.
Si Ate Guy.
Sa paggaya niya kay Nora Aunor, hindi lamang boses at kilos ang kanyang ginaya. Para bang kinuha niya ang isang maliit na bahagi ng mundong minahal ng mga Noranian at dinala iyon sa comedy bar, sa entablado, sa telebisyon at sa harap ng iba't ibang henerasyon ng manonood.
At doon natin mas nakita kung gaano kalaki ang naging impluwensiya ni Ate Guy sa isang taong kalaunan ay nagkaroon din ng sariling pangalan at sariling lugar sa industriya.
Pero higit sa panggagaya, may isang bagay na mas mahalaga:
Pagmamahal at paghanga.
Hindi pangungutya.
Hindi panlalait.
Kundi isang uri ng pagkilala sa isang artistang hinangaan niya.
Kaya para sa mga Noranian, may kakaibang kurot ang pagpanaw ni Ate Gay.
Dahil parang may isa na namang piraso ng isang panahong minahal natin ang unti-unting nawawala.
~𝓐𝓻𝓷𝓸𝓵𝓭 𝓗𝓮𝓬𝓱𝓪𝓷𝓸𝓿𝓪 𝓓𝓮 𝓥𝓮𝓻a


 

Saturday, September 12, 2026

"𝗜 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗬𝗢𝗨 𝗤𝗨𝗜𝗘𝗧𝗟𝗬 𝗧𝗢𝗗𝗔𝗬, 𝙉𝘼𝙉𝘼𝙔.."

     I missed you quietly today, Nanay. So quietly that no one noticed.
     I missed you as I climbed out of bed, as I washed my face and brushed my teeth— remembering how I would step outside to buy pandesal for the breakfast we would share on a quiet Sunday morning.


     Just another Sunday morning. Just another simple thing. But you are no longer here to share it with me. I missed you while I was thinking about the things you used to do. I missed you as you spent the whole morning boiling bones for the dogs you lovingly cared for, as if they were part of the family—which, to you, they were. And I remembered how you would probably already be thinking about lunch, turning that same broth into something we could share at the table.


     I missed you during the afternoons, when you would take your little siesta after lunch, while I stayed behind to watch over the NANAY545 store. I missed you whenever you would welcome me home, carrying the boxes of items I had bought for your store. Then, one by one, you would take them out, arrange them carefully, and put them on display in the store.


     I missed you when I heard the rain falling softly outside my window. Because there are sounds that do not simply remind us of someone. They bring them back for a moment. And for a few seconds, I could almost imagine you here again. Back then, those moments felt so ordinary. I never knew that one day, I would long for those ordinary days more than anything else.


     I missed you without tears, without noise, without fanfare. But, oh, how deeply I felt it. I felt it in the morning, at lunchtime, in the evening, and again at night. I felt it when I woke up, when I waited, when I worked. I felt it at home, on the road, in the light, in the darkness, and in the rain. I missed you when I came home. and I missed you when I realized there was no one waiting for me anymore.


   I felt you missing in every ordinary moment— each one growing heavier, each one carrying a little more of the weight of missing you. And somehow, the quietness of the day made your absence even louder.


     Yes, I missed you so quietly today, Nanay. But I felt it so loudly. In every little thing. In every familiar moment. In every corner of the life that still remembers you. I did not cry today. There was no dramatic moment. No loud sobbing. No one saw me break down. I simply carried you with me. Quietly.But beneath that quietness was a longing so deep I could hardly put it into words.


     Maybe this is what grief really is. It is not always tears. Sometimes, grief is simply reaching for a life that is no longer there. It is looking at an ordinary day and realizing how extraordinary it used to be—because you were in it.


     I miss you, Nanay. And until the day I see you again, I will keep finding you in the life you left behind in me.

~𝓝𝓪𝓷𝓪𝔂'𝓼 𝓜𝓸𝓰𝓷𝓸𝓰
091326/6:30AM


 

Sunday, September 6, 2026

AGOSTO 8: ANG ARAW NA NATUTUNAN KONG BUMITAW


 

Dumating ang Agosto 8—ang araw na kinailangan kong matutong bumitaw, kahit buong buhay ko’y nakasanayan kong kumapit.

Sa harap ng Panginoon, sa gitna ng matinding sakit at pangamba, tuluyan ko nang isinuko si Nanay. Hindi dahil ayaw ko na siyang manatili, kundi dahil alam kong dumating na ang sandaling kailangan ko na siyang ipagkatiwala sa mga kamay ng Diyos. At nang siya’y tuluyang binawian ng buhay, parang may isang malaking bahagi ng aking mundo ang tahimik na naglaho.

Wala na si Nanay. Wala na ang taong maaari kong tawagan anumang oras; wala na ang tinig na dati’y bahagi lamang ng aking karaniwang araw; wala na ang presensyang hindi ko kailanman inisip na mawawala. At ngayon, ako’y mag-isa na lamang.

May mga sandaling napakatahimik ng bahay, ngunit sa katahimikang iyon, tila napakaraming alaala ang nagsasalita. Paulit-ulit ko siyang hinahanap sa kanyang kinauupuan, sa mga gamit na kanyang iniwan, at sa mga sulok ng tahanang minsan niyang pinuno ng kanyang init at pagmamahal. Minsan, nakakalimot ako. Gusto kong magsalita, gusto kong ikuwento kung paano tumakbo ang araw ko, at gusto ko siyang tawagin—ngunit sa bawat pagkakataon, pabalik na sumasampal sa akin ang isang katotohanang napakasakit tanggapin: wala na si Nanay.

Ngunit sa gitna ng aking matinding pag-iisa, napagtanto kong hindi pala talaga ako nag-iisa. Dumating ang mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga taong nakiramay—mga taong yumakap sa akin kahit wala silang sapat na salita para alisin ang aking sakit. May mga nagdasal, may mga nagpaabot ng mensahe, may mga nagbahagi ng magagandang alaala, at may mga tahimik lamang na nanatili sa aking tabi upang sumabay sa aking pagdadalamhati.

Sa bawat pakikiramay na aking natatanggap, nararamdaman kong ang pagmamahal ni Nanay ay hindi natapos sa araw ng kanyang pagpanaw. Sapagkat ang mga taong minahal niya, at ang mga taong nagmamahal sa amin, ay narito pa rin—nakikiiyak, nakikiramay, at nagpapaalala sa akin na may mga kamay pa ring handang umalalay sa tuwing ako’y nanghihina.

~𝒩𝒶𝓃𝒶𝓎'𝓈 𝒩ℴ𝓰𝓃ℴ𝓰

090626/ 12:12PM


Saturday, August 29, 2026

"𝙏𝙃𝙀 𝙎𝘼𝙏𝙐𝙍𝘿𝘼𝙔 𝙊𝙁 𝙉𝙊 𝙃𝙀𝙎𝙄𝙏𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉" (Pre-Hospital Hours)

𝗝𝗨𝗟𝗬 25.

I thought it was going to be just another typical Saturday.

Since it was the weekend and I didn't have work, I allowed myself to sleep in a little. The first thing I did when I woke up was prepare breakfast for NANAY. As usual, I had to gently persuade her to eat just one piece of bread while she sipped her coffee. I skipped my own breakfast since it was Saturday anyway.

I then started doing my usual household chores and opened Nanay545Store for the day. By around 8:00 a.m., I was already seated in front of my computer, working on school requirements while attending to customers at the store.

At around 9:00 a.m., NANAY got up and sat down. At first, I thought it was just another episode of discomfort, the same way she had been complaining over the past two days. But this time, something was different. The pain seemed more intense. Then she said something that immediately caught my attention—she wanted to see a doctor.

Her first suggestion was to go to the Philippine General Hospital (PGH). I gently disagreed, reminding her that we were already living in Cavite and no longer in Makati. I was worried about the long trip, especially given her condition.

At that very moment, I happened to be online chatting with one of my former students, "SARAH", who is now working as a nurse in the United States. Our conversation suddenly turned into what felt like a consultation over the phone.

I carefully described everything NANAY had been experiencing. Whenever my former student asked questions for clarification, I would immediately relay them to NANAY and pass along her answers.

After listening to all of her symptoms, "SARAH" explained several possible conditions that could be causing my mother's pain. She also gave me advice on what I could do temporarily while we were still at home.

But before ending our convo, she gave me one clear recommendation: Don't wait for the weekend to pass or hope that she'll simply get better on her own. Bring NANAY to the emergency room or have her examined by a doctor immediately.

Hearing those words made me realise that this was no longer something we could simply observe and hope would improve. Sometimes, when the person you love most asks for help, you don't hesitate—you simply act.

And that's exactly what I did.

~ 𝙉𝙖𝙣𝙖𝙮'𝙨 𝓝𝓸𝓰𝓝𝓸𝓰 đŸ‘¨‍🦰
072626/1:43AM

 

Sunday, May 31, 2026

MALIGAYANG PAGDATING, JUNE!

MALIGAYANG PAGDATING, JUNE!

Bagong buwan, bagong kabanata, bagong pahina, at mga bagong hangarin. Nawa'y gabayan tayo ng buwang ito ng lakas ng loob, katatagan, tiwala sa sarili, pagtitiis, pagmamahal sa sarili, at kapayapaan ng kalooban.

Nawa'y punuin ng bawat araw ng Hunyo ang ating uhay ng pag-asa, pagmamahal, liwanag, at sigla. Nawa'y manaig ang kagalakan, kasiyahan, at tawanan sa bawat sandali.

Dalangin natin na ang buwan ito ay maghatid ng mga biyaya, mabubuting pagkakatao, at mga dahilan upang magpasalamat sa bawat araw.

Amen.

#7334Mornings_in_Cavite



 

Saturday, May 30, 2026

"ANG BUWAN NG MAYO: ISANG BUWAN NG PAGSUBOK, PAGMAMAHAL, AT KATATAGAN"

"ANG BUWAN NG MAYO: ISANG BUWAN NG PAGSUBOK, PAGMAMAHAL, AT KATATAGAN"

Ang nagdaang buwan ng Mayo ay isa sa pinakamalungkot at pinakamabigat na yugto ng aking buhay. Ito rin ang unang buong buwan mula nang maaksidente si Nanay. Sa loob ng tatlumpu’t isang araw, marami akong naranasang hamon, pagod, at pangamba, ngunit kasabay nito ay natutuhan ko rin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, sakripisyo, at katatagan.

Mula nang mangyari ang aksidente, naging hands-on ako sa pag-aalaga kay Nanay. 
Araw-araw ay sinisikap kong matugunan ang kanyang mga pangangailangan at tiyaking komportable siya sa kabila ng kanyang nararamdamang sakit. Hindi naging madali ang mga panahong iyon dahil nakikita ko ang kanyang paghihirap, ngunit pinili kong maging matatag para sa kanya. Wala naman akong ibang opsyon kundi harapin ang sitwasyon at gawin ang lahat ng aking makakaya bilang anak.

Isa sa mga mahalagang nagawa namin noong Mayo ay ang pagpapatingin kay Nanay sa ospital. Sa pamamagitan ng check-up, nalaman namin ang kanyang kalagayan at ang mga hakbang na kailangang gawin para sa kanyang paggaling. Bagama’t may mga pagkakataong nakababahala ang mga resulta at proseso, nagbigay ito sa amin ng mas malinaw na direksyon at pag-asa na unti-unti siyang makakarekober.

Bukod sa pag-aalaga kay Nanay, ako na rin ang gumagawa ng halos lahat ng gawain sa bahay. Marami sa mga ito ay hindi ko nakasanayang gawin noon. Natuto akong mag-asikaso ng mga gawaing bahay, magplano ng mga kailangang bilhin, at tiyaking maayos ang takbo ng aming tahanan. Sa simula ay nahirapan ako, ngunit habang tumatagal ay natutuhan kong harapin ang mga responsibilidad na ito nang may tiyaga at determinasyon.

Higit sa lahat, hinangaan ko ang katatagan ni Nanay sa buong buwan ng Mayo. Sa kabila ng sakit na kanyang naramdaman, naging matiisin siya at hindi nawalan ng pag-asa. Nakita ko ang kanyang determinasyong gumaling at makabangon muli. Ang kanyang lakas ng loob ang nagsilbing inspirasyon ko upang magpatuloy sa kabila ng pagod at mga pagsubok.

Sa pagtatapos ng buwan ng Mayo, masasabi kong marami akong natutunan tungkol sa buhay at pamilya. Napatunayan ko sa aking sarili na kaya kong maging matatag kahit mahirap ang sitwasyon. Natutuhan kong ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang nasusukat sa mga salita kundi sa mga sakripisyo at pagkalingang ibinibigay sa mga mahal sa buhay. Bagama’t hindi naging madali ang buwang ito, nagpapasalamat pa rin ako dahil naging pagkakataon ito upang mas mapalalim ang aking pagmamahal, pananagutan, at pananampalataya sa pag-asa na darating din ang ganap na paggaling ni Nanay.

~𝓐𝓻𝓷𝓸𝓵𝓭 𝓗𝓮𝓬𝓱𝓪𝓷𝓸𝓿𝓪 𝓓𝓮 𝓥𝓮𝓻𝓪

5/29/2026; 9:08AM

 

Saturday, December 13, 2025

CHRISTMAS CARD (1988) Timmy Cruz


“Christmas Card”(1988)

                                                           Timmy Cruz

“Christmas Card” ni Timmy Cruz — isang OPM Christmas love song na nagpapakita ng simpleng kilig at kahulugan ng pagmamahal sa panahon ng Pasko. Isinulat ni Snaffu Rigor, isang kilalang kompositor sa OPM, bilang bahagi ng mga Original Pilipino Music (OPM) na tema-Pasko na pinapakinggan lalo na tuwing panahon ng Kapaskuhan sa Pilipinas
Ang kanta ay tungkol sa simpleng pag-aantay ng sinserong  mensahe mula sa minamahal — hindi materyal na regalo, kundi isang Christmas card na naglalaman ng salitang “I love you” mula sa taong iniibig. Sa liriko nito, ipinapahayag ng mang-aawit ang saya at kilig tuwing naaalala ang mensahe ng pagmamahal na isinulat sa card. Habang hindi kasing-mainstream o kasing-sikat ng ibang klasikong pamaskong awitin (tulad ng mga gawa ni Jose Mari Chan o iba pang standard Christmas carols), ang “Christmas Card” ay kabilang sa mga paborito ng ilang Pilipinong tagapakinig tuwing Kapaskuhan. Ito’y madalas na naisasama sa mga playlist ng OPM Christmas songs at karaoke song lists kasama ng iba pang mga festive classic.

Naalala ko pa na nagpa-telephone brigade pa ako sa DWFM Radio Station para lamang umabot sa MRS o Most Requested Song ang awiting ito subalit mas kinonsedara noon ang awiting “Christmas Won’t Be The Same Without You” na inilabas din nang taong iyon.
Si Timmy Cruz na umawit ng “Christmas Card” ay maituturing nang isang beteranang mang-aawit at aktres. Sumikat siya noong late 1980s sa mga OPM hits tulad ng Boy, at nag-evolve ang kanyang karera mula pop music papunta rin sa inspirasyonal at gospel music sa loob ng mga dekada. Hanggang ngayon, patuloy ang kanyang impluwensya sa Philippine music scene at may mga Christmas at iba pang mga kanta siyang inilabas o pinasikat sa paglipas ng panahon. Ngayong 2025 ay inilabas niya ang awiting pamaskong  "Paskong Pasko Na.

(Tinipon ni ARNOLD HECHANOVA DE VERA 121425/9:09AM)

Copyright Disclaimer: I do not own this video content. No Copyright infringement intended.

Credits:
Choice Concerts (Pinoy Music Jam Sessions), The Sharon Cuneta Show (TV Show) ABS-CBN 1988

Source: pinoyopmlovesongs.com

site.acekaraoke.com+1

opmtunes.com

. Wikipedia


𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗘, 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 (𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘼𝙩𝙚 𝙂𝙖𝙮, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘕𝘰𝘳𝘢𝘯𝘪𝘢𝘯𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢, 𝘶𝘮𝘪𝘺𝘢𝘬 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘪 𝘼𝙩𝙚 𝙂𝙪𝙮)

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗘, 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 (𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘼𝙩𝙚 𝙂𝙖𝙮, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 ...