"INDYANERO!"(01)
(Tulang nabuo sa aking isipan habang ako'y nasa ilalim ng malaking puno katabi ng mamang nagtitinda ng fishball at matiyagang naghihintay sa wala)

Pinagmukha mo akong tanga,
hindi mo ako sinipot kanina,
ang text ko alas-dose magkikita,
reply mo after one hour, rest ka muna.
Pero kahit what time pa,
mahalaga ako pa rin ay nagpunta,

para madali ako'y nag-taxi na,
marating ko lang ang meeting place sana
bago mag-twelve o'clock o mas maaga pa.
At pagsapit nga ng ala-una,
sa iyong pagdating ay hoping pa,
aba, lampas two o'clock na,                                                                                 
ni anino mo, hindi ko nakita.

Nagtiyaga, naghintay, umasa,
init ng araw 'di ko alintana,
salamat ako'y nag-sunblock ha,
nagPond's Oil Blemish Control pa,
kailangang maging fresh pag tayo'y nagkita.

Hmmp, indyanero ka na pala,
'di ka man lang nag-worry, nag-alala.
May naghihintay, nagdurusa,

tanghaling tapat, bad trip nag-iisa!
Okey lang, drop-by ka man lang sana
para sabihing postponed,'di na tuloy pa!
Pero ayos ka rin, ha
ako lang naman ay iyong dinedma!


                                                                      ABRIL 28, 2006
                                                                     5:29 NG HAPON

(2006 pa pala nang naisulat ko ang tulang ito. Mapapansin na "taglish" o pinaghalong tagalog at ingles ang mga ginamit kong salita. Kung tutuusin hindi siya masyadong malalim kumpara sa iba kong akda. Inilalarawan ko lang ang naging kalagayan ko sa araw na iyon habang ako'y naghihintay sa aking katagpo na hindi nga sumipot. )



 

Comments

Popular posts from this blog

“I HONESTLY LOVE YOU” (Ang kwento sa likod ng awitin ni Olivia Newton-John)

CHRISTMAS CARD (1988) Timmy Cruz