“I HONESTLY LOVE YOU” (Ang kwento sa likod ng awitin ni Olivia Newton-John)
“I HONESTLY LOVE YOU”
(Ang kwento sa likod ng awitin)
Ang “I Honestly Love You”
ang unang malaking international hit ni Olivia Newton-John na nagpanalo sa
kaniya ng Grammy at nagbigay-daan para maging isa siya sa pinakaminamahal na
pop at soft rock singers ng kanyang panahon.
Ito ay isang love ballad
na puno ng damdamin, kung saan inihahayag ng nagsasalita ang kaniyang wagas at
taos-pusong pag-ibig sa isang tao — kahit alam niyang maaaring hindi sila
itinadhana o hindi ito ang tamang panahon. Maraming tagapakinig ang naka-relate
dahil sa pagiging simple ngunit malalim na mensahe ng kanta.
Ang “I Honestly Love You”
ay isa sa pinakapopular na awitin ni Olivia Newton-John, at siyang
nagpatibay ng kaniyang pangalan bilang isang international superstar. Heto ang
kasaysayan nito:
Ang kanta ay isinulat nina Peter Allen
(isang Australian singer-songwriter) at Jeff Barry (isang kilalang
American songwriter at producer). Unang nirekord ni Olivia Newton-John noong 1974
bilang bahagi ng kaniyang album na Long Live Love.
Inilabas ito bilang single
noong 1974. Naging No. 1 hit sa U.S. Billboard Hot 100 at tumagal
ng dalawang linggo sa tuktok. Naging No. 1 din sa Canada at No. 1 sa
Australia, bansang pinagmulan ni Olivia. Sa United Kingdom, umabot ito sa Top
20.
Nanalo ang awit ng Grammy
Award for Record of the Year (1975). Nanalo rin si Olivia Newton-John ng Grammy
Award for Best Female Pop Vocal Performance para sa kantang ito. Isa ito sa
mga signature songs ni Olivia Newton-John.
Noong 1998, muling nirekord ni
Olivia ang kanta sa mas modernong bersyon, na isinama sa kanyang album na Back
with a Heart. Madalas itong ginagamit sa mga pelikula, TV shows, at concert
bilang simbolo ng romantic sincerity noong dekada ’70.
Sa idinaos na concert ni Olivia
Newton-John noong March 31, 2012 sa Smart Araneta Coliseum, kasama sa
setlist ang “I Honestly Love You”. Ipinapakita nito na hanggang sa
dekada 2010, tinatangkilik pa rin ito ng publiko at mahalaga sa kanilang
repertoire ng awitin na hinihintay ng mga tagahanga.
(Ang una at huling concert ni
Olivvia Newton-John sa Pilipinas noong March 31, 2012 21 Smart Araneta )
-----AHD 091925/8:32PM



Comments
Post a Comment